Web Search

Thursday, December 11, 2008

Leche Plan (Pula ng Itlog) Recipe


Mga Kailangan:
10 pula ng itlog ng manok
1 latang (malaki) gatas na ebaporada
1 latang (malaki) gatas na kondensada
1.5 tasang puting asukal
1 kutsarang ginayat na balat ng dayap o kutsaritang vani
Pag gawa ng Arnibal:
1 tasang puti na asukal
1/4 tasang tubig

Pakuluin ang tubig na kasama ang asukal sa isang kaserola at pabayaang kumulo hanggang sa pumula. Huwag haluin, kapag mapula na at malapot ibuhos ng tigkakaunti sa mga liyanerang paglulutuan ng leche plan.

Paraan sa Pag luto:
1. Lusawin ang asukal sa gatas na malabnaw o ebaporada.
2. Ilahok sa pula ng itlog at gatas na kondensada.
3. Huwag babahitin, halo lamang ang gawin.
4. Salain sa supot ng asukal ihalo ang balat ng dayap na ginadgad o vanilla.
5. Isalin sa liyanerang may arnibal, pagkatapos, pasingawan sa lutoan ng puto o malaking kawali o kalderong may kumukulong tubig.

No comments: